Makabagong Kabataan

    “Ayan na naman yan siya, pasikat nanaman”, “Makapagsalita akala mo naman kung sino”, “Ano ba naman yan ma! Ako na lang palagi!”. Karaniwan na yang sambitin ng mga kabataan ngayon. Tila hindi kumpleto ang pagiging teenager kung hindi mo pa yan naririrnig. Normal na yan sa pandinig ng makabagong kabataan.

            Pabilis na ng pabilis ang paggalaw ng kabataan. Kabataang sabi ni gat Jose Rizal na siyang pag asa ng bayan. “Pag-asa? Weh? Eksaherada!” Mapapaganyan ka na lang siguro kapag nakikita mo ang kabataan sa ngayon na imbis na magtulungan ay normal na ang pagsisiraan. Mga kabataang hindi lamang naglalaban sa pisikal kundi na din pakikisalamuha.

            Nadedemoralisa ang kabataan buhat ng mabilis na transisyon at modernisasyon dito sa ating bayan na sinasabayan pa ng mga iba’t ibang tukso sa kabataan. Ang kathang ito ay hindi naglalayong ipamukha sa kabataan na sirang sira na ang kanilang mukha sa lipunan kundi mabuksan ang kanilang isipan sa mga nagaganap na magiging dahilan ng kanilang pag-bagsak.

            “Yung totoo? Parang hindi naman ata?” Masasabi yan nang ilan. Oo hindi ko naman nilalahat na ang kabataan ngayon ay sira na pero sa lipunan natin ngayon, kapag mas nakararami ang nagkasala, lahat na ay nagkasala. Damay damay ika nga.

            Mga kabarkadang bulakbol at tumador, mga magulang na walang pakialam sa kapakanan ng anak, mga kamag-aral na kung makapanira ay wagas, ang lipunan na akala mo ay mangangain sa sobrang daming batayan na dapat maatim ng bawat kasapi; ilan lamang yan sa mga dahilan ng pagkakalugmok ng kabataan.

            Hindi nabibigyang pansin ang boses ng kabataan. Hindi nabibigyang pansin ang mga pangangailangan ng kabataan. Hindi nabibigyang pansin ang kabataan.

            Sino ba ang dapat tumulong sa mga kabataan?

            Simple lang.

            Walang ibang mas nakakakilala sa mga kabataan kundi ang kanilang sarili mismo.

            Sila lang ang tanging makakapagpabago ng lipon ng kabataan dahil sila ang kabataan. Sila ang magiging pag-asa ng bayan kaya sila lang ang maaring magbago ng takbo ng kanilang buhay.

            “PAANO?” Mulat na ang kabataan sa suliraning ito ngunit walang nais magsalita. Mulat na ang kabataan ngunit may pangamba sa kanilang puso.

            Iwaksi ang pagaalinlangang ito at tiyak na susunod ang pinakmimithing pagbabago. “Kilala ng kabataan ang Diyos ngunit hindi nila siya isinasabuhay ang mga turo Niya.”

            Nagkukulang lang tayo sa pagpapaalala, sa pagpapakita at sa pagpapatupad.

            “Sana ay dumating ang panahon na hindi na tayo nagtuturo ng Values kundi ipinagpapatuloy na lang natin ito.”

This is an official entry to the Salik-Katha Tumblr Awards

  1. isdangotep posted this